House-to-House
Kumatok, Tao sa Tao
Kumausap, Tao sa Tao
Kumumbinsi, Tao sa Tao
Pangangampanya, pagvo-volunteer, at pagkatawan kay VP Leni
April 14, 2022 (Huwebes)
April 15, 2022 (Biyernes)
Sunday, May 8, 2022 (Linggo)
Monday, May 9, 2022 (Lunes)
Makipag-coordinate sa isang community leader para makahingi ng gabay o suporta
Magandang mag-ikot-ikot sa umaga (6-10am) at hapon (3-6pm)
Magdala ng collaterals na ipamimigay (lalo na mga pamaypay!)
Magdala ng guntacker, straw, atbp na pangkabit ng posters at tarps
Magsama-sama! Dapat saktong 4-6 na tao lagi ang magkakasama sa isang grupo para safe
(Wag sobra, wag kulang!)
Wag banggitin ang ibang kandidato
Mag-focus sa mga plano at nagawa ni VP Leni
Laging magpaalam bago gumawa ng kahit ano
Gamitin at i-submit ang documentation sheet;
Pumili ng volunteer na puwedeng bumalik sa parehas na area
Hello po, kami po ay volunteers ni Vice President Leni Robredo. Kusa po kaming nangangampanya at nagsusurvey.
Galing po kami sa
kapitbahay ninyo; kina manang (pangalan)
taga rito rin po kami sa (probinsya)
Pwede po bang magtanong
kung ilan po ang botante rito?
kung may napili na silang presidente?
Leni - ay talaga po! Maraming salamat po!
Pwede po bang maglagay ng tarp dito sa bahay ninyo?
Gusto po ba ninyo ng kaunting flyers at pamaypay para mapamigay sa inyong mga kapit-bahay at kaibigan?
Undecided -
Pwede ko po bang ipakilala si Leni?
Okay lang po, maari ko bang iwanan dito itong mga flyers, baka nais ninyong basahin at kilalanin siya
Other Candidate
Okay lang po, matagal pa naman ang May 9, baka sakaling magbago ang inyong isip. (sabay ngiti/smile)”
Pwede ko bang ipakilala si Leni?
Ano po ang hinahanap ninyo sa isang presidente?
Saktong sakto, alam ninyo po ba na si Leni ay...
Pwede ko bang iwanan dito itong mga flyers, baka nais ninyong basahin at kilalanin siya.
KUMONEKTA NANG PERSONAL
Magpakilala
"Magandang araw po. Ako po si ___, isa po akong [estudyante, teacher, housewife, nurse] at volunteer po ako para kay VP Leni."
"Tagarito po ako sa ______."
"Ano pong pangalan niyo Ma'am/Sir?
"Nakausap na rin po namin sina Ma'am/Sir [pangalan ng kapitbahay], puwede rin po ba namin kayong makausap, kahit 5 minutes lang po?"
Para maging mas personal, sabihin lagi ang pangalan ng kausap. Magsulat ng notes (Hal. karagdagang impormasyon) o highlights sa flyer kapag nagpapaliwanag at ibigay ito sa iyong kausap. (Hal. "Salamat po sa pakikinig, Ma'am/Sir ____!"
ALAMIN ANG PINAHAHALAGAHAN AT KUNG NASAAN SILA SA PAGDEDESISYON
“Kamusta po kayo nitong nakaraang taon? Ano pong mga isyu ang sa tingin niyo kailangan tugunan ng susunod na administrasyon natin?”
MAKINIG
"Okay lang po bang malaman kung may mga botante po dito inyo? Kung okay lang po, ilan po ang boboto dito sa inyo, Ma'am/Sir?"
"Kayo po Ma'am/Sir, may napili na po ba kayong Presidente at Bise Presidente?"
Kung si Leni --
"Parehas pala tayo Ma'am/Sir!"
"Salamat po, Ma'am/Sir!"
"Ay Ma'am/Sir may libre po kaming tarpaulin dito, kung gusto po ninyo, puwede po ba naming ilagay dito sa inyong gate/pader?"
"Baka gusto po ninyo ng flyers at pamaypay para maipamigay sa mga kaibigan/katrabaho/kapitbahay?"
"Andiyan din po sa mga flyer ang mga plano ni VP Leni, para alam po natin anong sisingilin natin sa kaniya pag presidente na siya di ba?"
Kung Undecided ---
"Okay lang po ba kung ibahagi ko po sa inyo kung bakit ko po iboboto si VP Leni? Ipakilala ko lang po sandali kung sino po siya at ano po ang mga programa niya para sa _____?"
"Puwede po ba akong mag-iwan ng flyers? Para po makilatis niyo po si VP Leni."
"Baka may mga tanong po kayo tungkol kay VP Leni o sa mga programa at plano niya?"
Kung may Other Candidate ---
"Ah gano'n po ba, siya po ba ang malakas dito sa inyo? Bakit po kaya?"
"Kahit may napupusuan na po kayo, okay lang po ba kung ibahagi ko pa rin po sa inyo kung bakit ko po iboboto si VP Leni?"
PAGTIBAYIN ANG PINAPAHALAGAHAN
“Opo, mahalaga nga naman ang…”
“Naiintindihan ko po kung bakit mahalaga yan sa inyo.”
IPABATID ANG IMPORMASYON AYON SA MAHALAGA SA KAUSAP
"Baka may mga tanong po kayo tungkol kay VP Leni o sa mga programa at plano niya?"
KALUSUGAN - Kalayaan sa Covid plan, abot kayang serbisyong medikal
KABUHAYAN - Hanapbuhay para sa lahat, pagsalo ng mga nawalan ng trabaho
Kung may Other Candidate ---
"Ah gano'n po ba, siya po ba ang malakas dito sa inyo? Bakit po kaya?"
"Kahit may napupusuan na po kayo, okay lang po ba kung ibahagi ko pa rin po sa inyo kung bakit ko po iboboto si VP Leni?"
Priority items
Ballpen
Gun tacker / Straw / Rope
Optional items
Wireless Speakers
Magdala ng
Tubig
Sumbrero
Payong
Candy
First aid/personal medicines
Safety
Sabihin sa ibang kakilala (yung hindi sasama sa H2H) na ikaw ay magbabahay-bahay. Sabihin sa kanila kung sino ang iyong kasama at saan kayo pupunta.
Ibigay sa core team ang conact details ng inyong grupo, ipaalam sa kanila kung sino-sino ang magkakasama.
'Wag humiwalay sa inyong grupo.
Behavior
Huwag kabahan, huminahon; ang pinakamalalang puwedeng mangyari ay paaalisin kayo. Kung mangyari iyon, umalis na lamang at i-record sa documentation sheet.
Smile lang, ngumiti at makipagbiruan sa mga kausap
Galangin ang desisyon at opinyon ng mga tao. 'Wag makipag-away.
Huwag madismaya kung wala hindi mo sila makumbinsing iboto si VP Leni kaagad-agad. Ilista ang mga undecided at not-for-VP Leni para alam ng core team na magandang mabalikan ang area.
Bago ang araw ng pagbabahay-bahay...
Bumuo ng core team na may 3-4 na miyembro. Ang core team ang nakatoka sa pag-organisa ng volunteers at sasamahan sila sa pagbabahay-bahay. Ang core team ay may:
Isa (1) mula sa local youth group na kayang mag-organisa ng mga volunteer
Isa (1) na taga doon mismo sa area na puwedeng makipag-usap sa barangay captains at local community leaders
Mag-decide bilang core group kung saan at kailan kayo magha-house-to-house
Pumili ng araw at oras ng H2H
Pumili ng lugar at oras kung saan magkikita bago ang H2H
Makipag-coordinate sa local leader at gumawa ng mapa
Humingi sa tulong mula sa isang local community leader (barangay captain, pastor, association leader) at ipaalam ang inyong plano
Tanungin ang local community leader kung puwede nila kayong samahan
Gumawa ng local road map at planuhin ang rutang dadaanan
Planuhin kung ilang volunteers and at ilang teams ang kailangan niyong buuin
Gumawa ng CALL FOR VOLUNTEERS na gustong sumama sa H2H :)
Supporters na nakatira o malapit sa area
Supporters na familiar sa area
Maghanda ng Collaterals na ipamimigay
I-check kung may nakahanda nang collaterals sa inyong local RPC o volunteer center
Mag-fundraising para sa pagpiprint ng sarili ninyong collaterals
Mag-post sa Social Media para makahingi sa ibang grupo na may extrang collaterals
Makipagkita sa inyong volunteers sa napag-usapang meeting place
Dumating nang mas maaga (15 mins) para i-welcome ang mga volunteer na dumarating
Mag-orientation sa volunteers
Daanan ang onboarding information
Preparation
Magpakilala sa isa’t isa
Gumawa ng grouping: 4-6 na volunteers sa isang group (pagsamahin ang volunteers na may experience at bago pa lang)
I-Distribute ang collaterals sa grupo
Kunin ang mga contact details sa group for safety
Pumili ng meet-up place at oras ng meet-up pagkatapos ng house-to-house
Ipakilala sa volunteers ang area na iikutan; what to expect
Assignments
taga-GREET - ang babati sa tao mga tao, sundan ang conversation guide
taga-DOCUMENT ang mag-fill in ng documentation sheet at isusubmit sa core group
taga-POSTER - ang magkakabit ng tarp sa bahay kung pumayag ang mayari ng bahay
taga-DISTRIBUTE ng collaterals
Sample script
Hello po, kami po ay volunteers ni Vice President Leni Robredo. Kusang-loob po kaming nangangampanya at nagsusurvey.
Galing po kami sa
kapitbahay ninyo; kina manang/manong, etc (pangalan)
taga rito rin po kami sa (probinsya)
Puwede po bang magtanong
kung ilan po ang botante rito?
kung may napili na po silang presidente?
Leni - Ay talaga po! Maraming salamat po!
Puwede po bang maglagay ng tarp dito sa bahay ninyo?
Gusto po ba ninyo ng kaunting flyers at pamaypay para mapamigay sa mga kapit-bahay at kaibigan? Resibo din po natin yan ng mga plano ni VP Leni! :)
Undecided -
Puwede ko po bang ipakilala si VP Leni?
Okay lang po, puwede ko po bang iwanan dito itong mga flyers, baka puwede po ninyong basahin para makilala at makilatis niyo siya
Other Candidate
Okay lang po, matagal pa naman po ang May 9, maari pang magbago ang inyong isip.
Puwede ko bang ipakilala si Leni?
Ano po ang hinahanap ninyo sa isang presidente?
Saktong sakto, alam ninyo po ba na si Leni ay...
Puwede ko bang iwan dito itong mga flyers, baka nais ninyong basahin at kilalanin siya.
Reminders
Magbigay galang at mag-smile; hindi po nila tayo kilala, we are representatives of VP Leni. Kung paano tayo makitungo ay siya ring magiging pagtanggap nila kay VP Leni.
Huwag makipag-away, huwag pilitin ang mga botante; kapag umiinit na ang ulo natin, stay calm, smile and move on. Tandaan: hindi sila ang kalaban, sila ang pinaglalaban.
Basahin ang mga flyers, para handa kayong ipakilala si VP Leni.
Kung hindi kumportable, magsabi agad sa leader at pumunta sa meeting place; huwag pilitin mag house to house kung may nararamdaman kayong hindi maganda (pagkahilo sa init, kaba, atbp).
Kitain ang mga volunteer sa napag-usapang meet-up place
Siguraduhin na may documentation sheets ang core team
Ibalik ang extra collaterals sa core team
Pasalamatan ang volunteers, CONGRATULATE and CELEBRATE!
Makipagkwentuhan
Guide questions for volunteers:
Ano yung na-enjoy sa pag-house to house?
Ano yung naging challenging sa pag-house to house?
Anong mga suggestions sa isa't isa para matugunan yung challenges next time?
Anong mga suggestions ninyo para dumami pa tayong volunteers mag-house?
I-share ang schedule para sa sunod na next house-to-house
Bilang core team, i-consolidate ang reports at summary gamit ang ating Tao sa Tao Reporting Form.